top of page

Mayor Violago at Mrs. Mabel Violago, Nagdiwang ng Taunang Renewal of Vows


Isang napakahalagang araw ang ika-8 ng Disyembre para kay Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., at sa kanyang maybahay na si Mrs. Mabel Violago, sapagkat kaalinsabay ng Kapistahan ng Immaculada Concepcion ay ipinagdiwang din ng mag-asawa ang kanilang anibersaryo ng kasal.


Ayon kay Mayor Violago, taon-taon nilang ginugunita ang araw na ito sa pamamagitan ng pagdalo sa misa at renewal of vows, na nagpapatibay sa kanilang sumpaan, pananampalataya, at pagmamahalan.


Sa isang mensahe, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Violago sa kanyang kabiyak sa walang sawang suporta nito sa pamilya at sa kanyang paglilingkod sa bayan.



Comments


bottom of page