Mayor Violago at Sangguniang Bayan, Nagbigay-pugay sa SGLGB Awardees sa Pagtataas ng Watawat
- SB San Rafael

- Dec 3, 2025
- 1 min read

Pinangunahan ng mga opisyales ng San Rafael ang Lingguhang Palatuntunan ng Pagtataas ng Watawat noong Lunes, Disyembre 1, 2025, at kasabay nito ay binigyang-pugay ang mga barangay na matagumpay na nakamit ang Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB).
Ang Lingguhang Palatuntunan ng Pagtataas ng Watawat ay pinamunuan ng Punong Bayan, Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., at Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga Kagawad ng Sangguniang Bayan.
Ang programa ay pinangasiwaan ng San Rafael Bureau of Fire Protection (BFP) sa pamumuno ni FSINSP Ervin M. Agustin, na nagtiyak ng kaayusan at pormalidad ng seremonya. Ang flag ceremony ay nagsilbing pagpapalakas ng patriotism at paghahanda para sa linggong punung-puno ng paglilingkod.
Isang taos-pusong pagbati ang ipinaabot sa mga barangay na nagpamalas ng husay at katapatan sa pagpapatupad ng lokal na pamamahala. Ang SGLGB ay isang prestihiyosong pagkilala na ibinibigay sa mga barangay na nakasunod sa mataas na pamantayan ng local governance at serbisyo.
Kabilang sa mga matagumpay na nakamit ang SGLGB ang mga sumusunod:
Barangay San Roque
Barangay Pantubig
Barangay Diliman I
Barangay Pulo





Comments