Mayor Violago, Binigyang-halaga ang Saloobin ng mga Kababayan
- SB San Rafael

- Feb 11
- 1 min read

Muling pinagtibay ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang kanyang dedikasyon sa isang inklusibong pamamahala sa pamamagitan ng pagpapaabot ng taos-pusong pasasalamat sa mga kababayang patuloy na bumibisita at nakikipag-ugnayan sa kanyang tanggapan.

Sa isang mensahe, kinilala ng Punong Bayan ang kahalagahan ng mga ideya, saloobin, at pangangailangang ibinabahagi ng mga mamamayan. Ayon sa kanya, ang ganitong uri ng direktang ugnayan ay susi upang matiyak na ang mga proyekto at programa ng Pamahalaang Bayan ay tunay na tumutugon sa realidad at pangangailangan ng bawat San Rafaeleño.
Binigyang-diin din ni Mayor Violago na ang pinto ng kanyang opisina ay nananatiling bukas para sa lahat. Hindi lamang ito para sa mga humihingi ng tulong, kundi maging sa mga indibidwal at grupo na nagnanais maging katuwang ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga programang makabuluhan para sa ikauunlad ng ekonomiya at kapakanan ng bayan.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng bisyon nina Mayor Violago at Vice Mayor Edison M. Veneracion na gawing mas "accessible" o madaling lapitan ang gobyerno, upang ang bawat mamamayan ay maramdamang sila ay bahagi ng pag-unlad ng San Rafael.





Comments