top of page

Mayor Violago, Naghatid ng Ngiti sa mga San Rafaeleño


Isang maagang pagbati at sorpresa para sa Araw ng mga Puso ang sumalubong sa mga mamamayan matapos mamahagi ng mga bulaklak ang ating Punong Bayan, Igg. Cipriano D. Violago, Jr., ngayong umaga.


Sa ilalim ng temang “Give Love, Help a Loved One, Ride About Love,” naging katuwang ng alkalde sa pagpapakalat ng pagmamahal sina Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, DILG Officer Mary Joy Nabor, ang PNP San Rafael, at mga miyembro ng Municipal Advisory Group.



Higit na naging makabuluhan ang aktibidad dahil ang mga ipinamahaging bulaklak ay sining at likha mismo ng mga kabataan mula sa Hebron Orphanage. Ang paggamit sa kanilang mga likha ay isang paraan upang itampok ang kanilang talento at suportahan ang kanilang munting komunidad.


Ayon kay Mayor Violago, ang munting regalong ito ay simbolo ng pagkalinga at malasakit ng pamahalaang bayan sa bawat San Rafaeleño. Layunin nito na paalalahanan ang lahat na sa gitna ng ating mga trabaho at biyahe, mahalagang maglaan ng sandali para sa pag-ibig at pagmamahal sa kapwa.

Comments


bottom of page