Mayor Violago, Nagpasalamat sa Patuloy na Pakikiisa; Tanggapan, Mananatiling Bukas para sa Lahat
- SB San Rafael

- Dec 5, 2025
- 1 min read

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., sa lahat ng San Rafaeleñong patuloy na nagpapamalas ng pakikiisa at pagsuporta sa Pamahalaang Bayan.
Kinilala ng Punong Bayan ang mahalagang papel ng komunidad sa epektibong pamamahala, partikular sa mga dumudulog upang magbahagi ng kanilang saloobin at pangangailangan.
Bilang pagpapatibay sa kanyang pangako ng participative governance, mariing inulit ng alkalde na ang kanyang opisina ay nananatiling bukas para sa publiko.
Hinihikayat ang bawat San Rafaeleño na patuloy na maging katuwang ng Pamahalaang Lokal sa pagpapatupad ng mga programang tunay na makabuluhan.
"Nanatiling bukas ang aking tanggapan para sa bawat San Rafaeleño na handang magbahagi ng ideya at maging katuwang sa pagpapatupad ng mga programang tunay na makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa lahat," pagtatapos ni Mayor Violago.





Comments