Mayor Violago: Tanggapan, Bukas sa mga Nais Makipag-ugnayan at Maging Kabalikat sa Pag-unlad ng San Rafael
- SB San Rafael

- Nov 27, 2025
- 1 min read

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., sa lahat ng residente ng San Rafael na patuloy na nagpapamalas ng pakikiisa at pagsuporta sa Pamahalaang Bayan.
Kinilala ng Punong Bayan ang mahalagang papel ng pagdudulog at pagbabahagi ng saloobin ng mga mamamayan.
Bilang pagpapatibay sa kanyang open door policy, mariing inulit ng alkalde ang kanyang panawagan para sa mas malalim na kooperasyon. Ang Tanggapan ng Punong Bayan ay mananatiling bukas para sa bawat San Rafaeleño na nais makipag-ugnayan, magbahagi ng ideya, o maging kabalikat sa pagpapatupad ng mga programang makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa lahat.





Comments