MENRO, Nagsagawa ng Clean-Up Drive sa Viola Highway
- SB San Rafael

- Jan 20
- 1 min read

Bilang bahagi ng kampanya para sa kalinisan, nagsagawa ng isang Clean-Up Activity ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa kahabaan ng Viola Highway ngayong umaga.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa alinsunod sa direktiba ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. upang matiyak na mapanatiling malinis at maayos ang mga pangunahing kalsada sa bayan.
Layunin din nito na maiwasan ang anumang banta sa kalusugan at kaligtasan ng mga motorista at residente.
Muling nanawagan ang Pamahalaang Bayan sa lahat ng mga San Rafaeleño na maging responsable sa kanilang mga basura at makiisa sa mga programang pangkalikasan.
"Ang pagkakaisa ng bawat isa ang susi sa isang mas malinis, ligtas, at maunlad na San Rafael," ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan.





Comments