top of page

Meralco Maintenance Schedule para sa Pebrero 2, 2026


Naglabas ng mahalagang abiso si Vice Mayor Edison M. Veneracion para sa mga residente at establisyimento sa ilang bahagi ng ating bayan hinggil sa nakatakdang maintenance schedule ng Meralco ngayong darating na Lunes, ika-2 ng Pebrero, 2026.


Ayon sa ulat, magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sa pagitan ng ganap na 10:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagsasaayos ng Portion of Circuit Cruz na Daan 317CND.


Narito ang mga partikular na lugar na maapektuhan:

  • Bahagi ng Pinacpinacan Road mula sa Pan-Philippine Highway sa Barangay Sampaloc.

  • Hanggang sa Da Pond Fish & Farm Resort kabilang ang Dragon Fireworks sa Barangay Pinacpinacan.


Pinapayuhan ang mga residente at negosyo sa mga nabanggit na lugar na maghanda at magsagawa ng mga kaukulang hakbang bago ang itinakdang oras ng maintenance. Layunin ng gawaing ito na masiguro ang mas maayos at ligtas na daloy ng kuryente sa ating komunidad sa hinaharap.

Comments


bottom of page