top of page

Mga Alternatibong Ruta para sa Ika-29 na National Assembly ng ACSP


Nagpalabas ng mahalagang babala sa trapiko ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa darating na Huwebes, ika-5 ng Pebrero, 2026.


Pansamantalang isasara sa daloy ng mga sasakyan ang kahabaan ng Maharlika Highway, partikular na ang bahagi mula sa Carlos F. Gonzales High School hanggang sa Barangay Hall ng Galas Maasim. Ang road closure ay magsisimula sa ganap na 1:00 ng hapon hanggang 3:00 ng hapon.


Ang hakbang na ito ay upang bigyang-daan ang gaganaping pagdalaw ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines (ACSP) para sa kanilang 29th National Assembly sa Diyosesis ng Malolos.


Hinihiling ng Pamahalaang Bayan, sa pangunguna nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, ang pang-unawa at kooperasyon ng bawat isa upang matiyak ang kaayusan ng nasabing aktibidad at ang kaligtasan ng lahat ng biyahero.

Comments


bottom of page