Mga Kawani ng Munisipyo, Nagsagawa ng Clean-up Activity
- SB San Rafael

- Jan 7
- 1 min read


Bilang pagpapakita ng ehemplo sa wastong pangangalaga sa kapaligiran, nagsagawa ng isang komprehensibong clean-up activity ang mga empleyado ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ngayong hapon.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng direktiba ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., na naniniwalang ang serbisyo-publiko ay nagsisimula sa pagpapanatili ng isang malinis at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mamamayan.
Pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang nasabing operasyon sa pamumuno ni Senior Environmental Management Specialist – OIC Rea Joy Calderon. Katuwang ang iba't ibang departamento, nilinis ang mga paligid ng munisipyo at mga pampublikong espasyo upang masiguro na malayo sa sakit at polusyon ang komunidad.
Ang programang ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng lokal na pamahalaan para sa "Greener and Cleaner San Rafael." Layunin nito na hindi lamang linisin ang kasalukuyang kalat, kundi itanim din sa isipan ng bawat kawani at mamamayan ang disiplina sa tamang pagtatapon ng basura.





Comments