Mga Mag-aaral ng San Rafael, Nakiisa sa Tree Planting Activity sa Pasong Bangkal San Rafael, Bulacan
- SB San Rafael

- Dec 4, 2025
- 1 min read

Nagsama-sama ang mga kabataan mula sa iba’t ibang student organizations ng Carlos F. Gonzales High School (CFGHS) sa isang makabuluhang Tree Planting Activity na isinagawa noong Miyerkules, ika-3 ng Disyembre, sa Pasong Bangkal, San Rafael, Bulacan.
Pinangunahan ang gawaing ito ng Tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pamumuno ni Senior Environmental Management Specialist–OIC Rea Joy Calderon. Nakipag-ugnayan din ang MENRO kina Dr. Ceanceno M. Espiritu at Punong Barangay ng Pasong Bangkal, si Elmer T. Basa, upang matiyak ang matagumpay na programa.
Ang layunin ng aktibidad ay hindi lamang makapagtanim, kundi upang mapalawak ang kamalayan ng kabataan sa pangangalaga ng kalikasan. Ito ay naglalayong palakasin ang adbokasiya para sa mas malinis at luntiang kapaligiran, at makapag-ambag sa patuloy na rehabilitasyon at pagpapaganda ng mga komunidad.





Comments