top of page

Mga Proyekto ng SK, Sinuri at Pinlano sa Year-End Assessment


Bilang pagpapakita ng kanyang buong suporta sa mga lider-kabataan ng bayan, nakiisa si Vice Mayor Edison M. Veneracion sa ginanap na Sangguniang Kabataan (SK) Chairman’s Year-End Assessment nitong nakaraang ika-4 ng Disyembre.


Ang nasabing pagtitipon ay nagsilbing mahalagang venue para sa mga SK Chairperson mula sa iba’t ibang barangay ng San Rafael upang masusing suriin ang takbo ng kanilang pamumuno sa loob ng nakalipas na taon.


Sa loob ng assessment, tinalakay ng mga kabataang lider ang kanilang accomplishment reports, Hamon at Solusyon at 2026 Vision.


Sa kanyang pakikilahok, nagbigay ng payo at inspirasyon si Vice Mayor Veneracion, o mas kilala sa tawag na "Kuya Edison," hinggil sa kahalagahan ng tapat at epektibong serbisyo-publiko.


Binigyang-diin niya na ang lokal na pamahalaan ay laging handang umalalay sa mga inisyatibo ng SK na naglalayong iangat ang antas ng pamumuhay at kakayahan ng mga kabataang San Rafaeleño.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng adbokasya ng Pamahalaang Bayan na linangin ang susunod na henerasyon ng mga lider na may malasakit, integridad, at malinaw na bisyon para sa bayan.

Comments


bottom of page