top of page

Municipal Treasurer Corazon M. Valmeo, Nagdiwang ng Kaarawan


Isang masaya at makabuluhang kaarawan ang ipinagdiriwang ngayong araw ng isa sa mga haligi ng administrasyon ng San Rafael, ang ating masipag na Municipal Treasurer na si Ma'am Corazon M. Valmeo.


Bilang tagapangalaga ng kaban ng bayan, kinikilala ng buong lokal na pamahalaan ang dedikasyon at katapatan ni Ma'am Corazon sa kanyang tungkulin, na naging susi sa maayos na pagpapatakbo ng mga programa at proyekto para sa mga San Rafaeleño.


Pinangunahan nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, at ng buong miyembro ng Sangguniang Bayan ang pagpapaabot ng mainit na pagbati para sa celebrant.

Comments


bottom of page