Nutrisyon ng mga Bata, Prayoridad: 2-Day PIMAM Workshop, Idinaos sa San Rafael
- SB San Rafael

- Feb 25
- 1 min read

Upang masiguro ang tamang pangangalaga sa kalusugan ng mga bata sa ating bayan, matagumpay na isinagawa ng Municipal Nutrition Office ang Philippine Integrated Management of Acute Malnutrition (PIMAM) Training and Workshop nitong February 23 hanggang 24, 2026.
Ginanap ang dalawang araw na aktibidad sa 3rd Floor ng Municipal Hall sa pangunguna ng ating Pambayang Pinuno sa Nutrisyon na si Gng. Kristina Anne A. Bisquera, RND. Layunin ng pagsasanay na ito na bigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang ating mga frontliners sa komunidad—ang mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at mga piling Mother Leaders—kung paano mabilis na matutukoy at maagapan ang mga kaso ng "acute malnutrition" sa bawat barangay.
Ang programang ito ay bahagi ng adbokasiya nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion na wakasan ang gutom at malnutrisyon sa San Rafael. Sa pamamagitan ng PIMAM, magkakaroon ng mas sistematikong paraan ng pag-monitor at pagbibigay ng lunas sa mga batang nangangailangan ng agarang atensyong medikal at nutrisyon.
Naniniwala ang Pamahalaang Bayan na sa tulong ng mga bihasang volunteers, mas magiging malusog at masigla ang susunod na henerasyon ng mga San Rafaeleño.





Comments