top of page

Nutrition Officer Kristina Anne Bisquera, Nagdiwang ng Kaarawan


Isang masaya at mapagpalang kaarawan ang ipinagdiriwang ngayong araw ng isa sa mga katuwang ng ating bayan sa pagsusulong ng malusog na pamayanan—ang ating masipag na Nutrition Officer, Ma’am Kristina Anne A. Bisquera, o mas kilala sa tawag na "Ma’am Tine."


Bilang Nutrition Officer, mahalaga ang papel na ginagampanan ni Ma'am Tine sa pagtitiyak na ang mga programa para sa kalusugan at nutrisyon, lalo na para sa mga bata at mga ina sa San Rafael, ay maayos na naipapatupad.


Nagkakaisa ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagpapaabot ng pasasalamat sa kanyang dedikasyon at tapat na serbisyo. Pinangunahan ang pagbating ito nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion at ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan.


Hangad ng pamunuan ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligayahan, at higit pang mga biyaya mula sa Panginoong Maykapal upang patuloy siyang makapaglingkod nang may ningning at malasakit para sa mga San Rafaeleño.

Comments


bottom of page