top of page

Ocular Inspection at Public Hearing sa Barangay Capihan, Isinagawa


Matagumpay na naisagawa ng Sangguniang Bayan ng San Rafael ang isang Ocular Inspection at Public Hearing sa Barangay Capihan nitong nakaraang araw. Ang hakbang na ito ay bahagi ng masusing proseso ng lehislatura bago maglabas ng desisyon sa mga usaping may kinalaman sa paggamit ng lupa sa bayan.


Ang aktibidad ay pinangunahan ni Kgg. Vicente N. Paulino, ang Tagapangulo ng Committee on Urban Planning, Zoning, Land Use, Housing and Resettlement. Kasama rin sa nasabing inspeksyon si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion at ang mga kagalang-galang na Kagawad ng Sangguniang Bayan.


Ito ay kahilingan Mrs. Celerina DB. Sabariaga na maaprubahan ang Reclassification ng kanyang lupang may sukat na 9,066 sq. meters na matatagpuan sa Barangay Capihan, Bypass Road, San Rafael, Bulacan.

Comments


bottom of page