top of page

Public Hearing para sa Greenhouse Phase 2, Isinagawa


Upang masiguro ang maayos na implementasyon ng mga proyektong pang-imprastruktura at agrikultura, nagsagawa ng Public Hearing ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa compound ng Metro Pacific Fresh Farms sa Barangay Salapungan.



Pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, kasama si Kgg. Nestor V. Vicho, Tagapangulo ng Committee on Public Works and Infrastructures, at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang pagdinig. Pangunahing tinalakay ang kahilingan ni Engr. Nathanielle P. Alvarado para sa Sangguniang Bayan Clearance kaugnay ng itinatayong Greenhouse Facilities (Phase 2) na sumasakop sa labindalawang (12) ektaryang lupain.


Bukod sa pagdinig, isinagawa rin ang isang ocular inspection sa mga pasilidad. Dito ay ipinakita ang makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng mga gulay gamit ang Nutrient Film Technique (NFT)—isang paraan ng hydroponics kung saan ang mga halaman ay pinalalaki sa dumadaloy na sustansya sa halip na sa tradisyunal na lupa.


Ang proyektong ito ay inaasahang magbibigay ng karagdagang oportunidad sa trabaho at magpapatatag sa suplay ng de-kalidad na gulay sa ating bayan. Ang pagbusisi ng Sangguniang Bayan ay bahagi ng masusing proseso upang matiyak na ang bawat malaking proyekto ay alinsunod sa batas at makatutulong sa pag-unlad ng San Rafael.

Comments


bottom of page