top of page

Public Hearing at Ocular Inspection, Isinagawa para sa Bagong Warehouse sa Capihan


Upang matiyak ang maayos na konsultasyon sa mamamayan, nagsagawa ng isang Pampublikong Pagdinig (Public Hearing) ang Sangguniang Bayan sa Barangay Capihan ngayong araw.


Ang pagpupulong ay pinangunahan nina Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion at Konsehal Nestor Vicho. Ang paksa ng pagdinig ay ang kahilingan ng Hermano Oil Manufacturing and Sugar Corporation para sa isang Sangguniang Bayan Clearance. Layunin ng kumpanya na makapagtayo ng isang 6-unit warehouse building sa nasabing barangay.



Matapos ang diskusyon, sinundan ito ng isang Ocular Inspection sa mismong lokasyon. Personal na sinuri nina Vice Mayor Edison ang lugar upang masiguro na ang konstruksyon ay sumusunod sa mga umiiral na pamantayan at hindi makakasama sa kapakanan ng komunidad at kapaligiran.


Ayon kay Kuya Edison, mahalaga ang ganitong mga hakbang upang balansehin ang pag-unlad ng negosyo at ang kaligtasan ng mga residente sa San Rafael.

Comments


bottom of page