top of page

Operation Linis sa Maharlika Highway: Ilegal na Park at Vendors, Sinita


Upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at mapanatili ang daloy ng trapiko, isinagawa ang isang malawakang Operation Linis sa kahabaan ng Maharlika Highway at Bypass Road ngayong araw.


Alinsunod sa direktiba ni Mayor Cipriano D. Violago, Jr., naging sentro ng operasyon ang pagpapaalis sa mga truck na ilegal na nakaparada sa gilid ng kalsada at ang paglilinis sa mga bangketa mula sa mga ilegal na nagtitinda. Ang mga gawaing ito ay madalas na nagiging sanhi ng pagsisikip ng trapiko at aksidente sa naturang pangunahing kalsada.


Bilang bahagi ng kampanya, nagkabit din ng mga babalang tarpaulin na nagpapaalala ng “Bawal Magtinda Dito” at “Bawal Mag-Park” sa mga estratehikong lugar.

Ang operasyon ay matagumpay na naisagawa sa pangunguna ni Punong Barangay Amalia A. Ramos ng Diliman I, katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), PNP San Rafael, at ang Highway Patrol Group (HPG).


Layunin ng hakbang na ito na gawing mas ligtas, malinis, at maayos ang mga kalsada para sa lahat ng mga San Rafaeleño at mga biyaherong dumadaan sa ating bayan.

Comments


bottom of page