top of page

Oportunidad sa Trabaho: Maging Bahagi ng Home Credit ngayong Pebrero 5


Magandang balita para sa mga naghahanap ng trabaho! Magsasagawa ng isang Local Recruitment Activity ang kumpanyang Home Credit sa darating na ika-5 ng Pebrero, 2026.



Ang aktibidad ay gaganapin sa PESO Office ng ating Munisipyo at magsisimula sa ganap na 9:00 ng umaga. Ito ay isa sa mga inisyatibo ng Pamahalaang Bayan sa ilalim ng ating Public Employment Service Office (PESO) upang magbigay ng mas maraming oportunidad at kabuhayan para sa bawat San Rafaeleño.


Pinapaalalahanan ang lahat ng mga aplikante na dalhin ang kanilang updated resume. Maging handa rin para sa isang on-the-spot interview at assessment na isasagawa ng mga kinatawan mula sa Home Credit.

Comments


bottom of page