top of page

P1-Milyong Pondo mula sa DOLE, Ipinagkaloob para sa Bagong Bangka ng mga Mangingisdang San Rafaeleño


Isang malaking tulong pangkabuhayan ang tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael matapos pormal na ipagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pondong nagkakahalaga ng ₱1,000,000.00.


Ang naturang pondo ay bahagi ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) na may proyektong pinamagatang “Bangka para sa mga Mangingisdang San Rafaeleños.” Layunin nito na magbigay ng sapat na kagamitan at suporta sa sektor ng pangisdaan upang matiyak ang kanilang tuloy-tuloy na kita at pangmatagalang kaunlaran.


Ang tseke na naglalaman ng pondo ay pormal na iginawad ni Assistant Regional Director Alejandro Inza-Cruz kay Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago Jr., sa pamamagitan ng ating masipag na PESO Manager na si Ms. Reela I. Tuazon.


Ang proyektong ito ay bunga ng aktibong pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga ahensya ng nasyonal na gobyerno upang makakuha ng mga kailangang resources para sa mga marginalized sectors ng bayan.


Ayon kay Mayor Violago, ang pondong ito ay direktang mapupunta sa paggawa o pagbili ng mga bagong bangka na gagamitin ng mga mangingisda. Ito ay inaasahang magpapalakas sa lokal na produksyon ng isda at magpapagaan sa araw-araw na paghahanapbuhay ng mga benepisyaryo.

Comments


bottom of page