P22.5M Pondo, Inilipat sa Road Concreting at Heritage Park; Organic Agriculture, Ginawang Institusyonal sa Ika-19 na SB Session
- SB San Rafael

- Nov 17, 2025
- 1 min read

Naging sentro ng mga mahahalagang desisyon para sa pagpapaunlad ng imprastraktura at social welfare ang Ika-19 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael ngayong araw Nobyembre 17, na pinamunuan ni Pangalawang Punong Bayan at Presiding Officer, Kgg. Edison M. Veneracion.
Kabilang sa pinakamalaking napagtibay ay ang resolusyon para sa re-alignment ng pondo na nagkakahalaga ng P22.5 Milyong Piso. Ang malaking halaga ay inilipat-linya mula sa mga naunang inilaan na proyekto (Construction of Health Center at Municipal Gymnasium) patungo sa mas agarang pangangailangan na Concreting of Road sa Talacsan, Land Improvement/Heritage Park sa Población at pagbili ng mga makinarya at kagamitan para sa mga Opisina ng Sangguniang Bayan at Municipal Mayor.
Tinalakay din at pinagtibay ang iba pang re-alignment ng pondo na may kabuuang P350,000.00 at P321,200.00 para sa mga programang pangkalusugan, anti-drug campaign (Bida Lakad Kontra Droga), at operating expenses ng LGU.
Dalawang pangunahing aspeto ang pinalakas ng mga resolusyon:
Organic Agriculture Ordinance: Pormal na pinagtibay sa Ikatlo at Huling Pagbasa ang Ordinansa na naglalayong Institutionalize, Promote, and Develop Organic Agriculture sa San Rafael. Ito ay hudyat ng pagsuporta ng bayan sa mas malinis, ligtas, at sustinableng pamamaraan ng pagsasaka.
Social Protection (DSWD): Pinahintulutan ang Punong Bayan, Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., na pumasok sa isang General Memorandum of Agreement (GMOA) sa DSWD Field Office III upang masiguro ang epektibong pagpapatupad ng mga Social Protection Programs ng ahensya sa buong munisipalidad.
Bilang suporta sa lokal na civil society, inaprubahan din ng Sangguniang Bayan ang akreditasyon ng San Roque Gulod Farmers Association, Inc. at Delta Squad Reborn Guardian Inc.





Comments