Pag-iisang Dibdib nina Alberto at Ma. Christy
- SB San Rafael

- Nov 11, 2025
- 1 min read

Selyado na ang pagmamahalan! Isang espesyal na seremonya ng pag-iisang dibdib ang naganap ngayong araw kung saan naging saksi at solemnizing officer ang ating Punong Bayan, Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., para sa pagpapakasal nina Mr. Alberto Escultura at Mrs. Ma. Christy Escultura. Taos-pusong binati ni Mayor "Goto" Violago ang bagong mag-asawa at ipinaabot ang kanyang kagalakan sa kanilang desisyong pagtibayin ang kanilang ugnayan. Kasama ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael, hangad ng lokal na pamahalaan ang inyong matagumpay at mabiyayang pagsasama bilang mag-asawa.





Comments