top of page

Pagbababa ng Watawat, Isinagawa sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael


Bilang pagpupugay sa pambansang sagisag at pormal na pagtatapos ng mga gawain sa munisipyo, isinagawa ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang seremonya ng Pagbababa ng Watawat ngayong araw ng Biyernes.

Ang ritwal na ito ay hindi lamang isang tradisyon, kundi simbolo ng pasasalamat para sa isa na namang produktibong linggo ng paglilingkod sa ating mga kababayan.


Sa ilalim ng pamumuno nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, patuloy na binibigyang-halaga ng lokal na pamahalaan ang disiplina at dedikasyon ng bawat kawani. Ang bawat transaksyong natapos at bawat residenteng naseerbisyuhan mula Lunes hanggang Biyernes ay bahagi ng tagumpay na ito.


Comments


bottom of page