Pagbati sa mga Bagong Kasal sa San Rafael: Pagmamahalang Pinagtibay ng Pamahalaang Bayan
- SB San Rafael

- Feb 19
- 1 min read

Isang panibagong kabanata ng buhay ang binuksan ng tatlong magkapareha matapos silang opisyal na pag-isahin sa isang seremonya ng kasal na pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. ngayong linggo.

Sa harap ng pamilya at mga saksi, buong pusong nagpalitan ng sumpaan ang mga sumusunod na bagong mag-asawa:
Mr. & Mrs. Richmon & Jessica Galang
Mr. & Mrs. Roejhon David & Roxane Joy Vasallo
Mr. & Mrs. Sanggol Dass & Angelie Savrinathan

Bilang "Father of the Town," naging bahagi ang alkalde sa pagpapatibay ng pundasyon ng mga bagong pamilyang ito sa San Rafael. Sa kanyang maikling mensahe, binigyang-diin ni Mayor Violago ang kahalagahan ng pag-unawa, pasensya, at pananampalataya sa loob ng tahanan upang mapanatiling matatag ang kanilang pagsasama.
Ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael, kasama si Vice Mayor Edison M. Veneracion, ay nagpapaabot ng taos-pusong pagbati at panalangin para sa isang mabiyaya, masaya, at pangmatagalang pagsasama ng mga bagong kasal.





Comments