top of page

Pagbubukas ng San Rafael Christmas Village & Bazaar 2025, Naging Matagumpay!

Muling nagliwanag ang puso ng ating bayan sa ginanap na engrandeng pagbubukas ng San Rafael Christmas Village & Bazaar 2025. Libu-libong mga San Rafaeleño ang nakiisa at naging saksi sa opisyal na pagsindi ng mga makukulay na dekorasyon at pailaw na hudyat ng pagsisimula ng pinakahihintay na panahon ng taon.


Ang tagumpay ng pagbubukas na ito ay bunga ng pagkakaisa sa ilalim ng pamumuno nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan.


Ang layunin ng proyektong ito ay hindi lamang magbigay ng libangan, kundi ang paalalahanan ang bawat isa na sa San Rafael, ang Pasko ay puno ng pag-asa at pagmamahalan. https://www.facebook.com/reel/2587312144972458

Comments


bottom of page