Pagkakaisa para sa Kaunlaran: Mayor’s Office, Bukas para sa Pakikipagtulungan
- SB San Rafael

- Jan 28
- 1 min read

Kinilala ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. ang mahalagang papel ng bawat mamamayan sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng San Rafael. Sa isang pahayag, nagpaabot ng pasasalamat ang Punong Bayan sa mga San Rafaeleñong aktibong nakikibahagi sa pagbuo ng mga solusyon para sa komunidad.
Ayon kay Mayor Violago, ang kaunlaran ng bayan ay nagiging mas posible dahil sa mga taong handang magbahagi ng kanilang oras at mga ideya. Binigyang-diin niya na ang kanyang tanggapan ay nananatiling bukas para sa lahat ng nais makipagtulungan at maging katuwang sa pagpapatupad ng mga programang may tunay na pakinabang sa publiko.





Comments