Pagpapaunlad ng Serbisyo at Lokal na Ekonomiya, Sentro ng Talakayan sa 7th Regular Session
- SB San Rafael

- Feb 20
- 1 min read

Sa ilalim ng liderato ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, naging produktibo ang isinagawang Ika-7 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael kung saan ilang mahahalagang resolusyon at kautusan ang opisyal na pinagtibay.
Bilang bahagi ng pagpapalakas sa kapasidad ng pamahalaang lokal na makapaglingkod nang mahusay, inaprubahan sa ilalim ng Dagliang Talakayin ang paglikha ng mga bagong Plantilla Positions sa iba’t ibang tanggapan. Kabilang dito ang mga posisyon para sa Office of the Mayor, Sangguniang Bayan, Treasury, Accounting, Engineering, at Health Office (Nurse I). Ang hakbang na ito ay magbibigay ng pagkakataon para sa dagdag na trabaho at mas mabilis na serbisyo para sa mga mamamayan.
Kasabay nito, inaprubahan din ang pakikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa renewal ng Batch Request Query System (BREQS), na magpapadali sa pagkuha ng mga civil registry documents ng mga San Rafaeleño.
Sa usapin naman ng lokal na pag-unlad at organisasyon, pinagtibay sa Ikatlo at Huling Pagbasa ang mga sumusunod:
Akreditasyon ng Federation of Senior Citizens of San Rafael.
Taunang Budget (2026) ng mga Barangay ng Maasim, Diliman II, Pinac-pinacan, at San Roque, na may kabuuang halagang higit sa P29 Milyon para sa mga proyekto sa kani-kanilang barangay.
Sangguniang Bayan Clearance para sa konstruksyon ng Greenhouse Facilities (Phase 2) ng Metro Pacific Fresh Farms sa Barangay Salapungan, na inaasahang magdadala ng makabagong teknolohiya sa agrikultura sa ating bayan.
Ayon kay Vice Mayor Veneracion, ang mga napagtibay na batas at resolusyon ay patunay ng pagkakaisa ng lehislatura at ehekutibo, sa pangunguna ni Mayor Cipriano D. Violago, Jr., na isulong ang kapakanan ng bawat sektor sa San Rafael.





Comments