PAGTUGON SA PANAHON NG SAKUNA | EMERGENCY MEETING
- SB San Rafael

- Jul 21, 2025
- 1 min read

Dumalo ang Sangguniang Bayan ng San Rafael, sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan at Presiding Officer, Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga iginagalang na Kagawad sa isinagawang Emergency Meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ngayong araw.
Layunin ng pagpupulong na ito ang pagtukoy ng mga kinakailangang hakbang at paghahanda ng ating bayan sa inaasahang epekto ng Bagyong Crising. Mahigpit na binigyang pansin ang kaligtasan ng bawat San Rafaeleño, lalo na sa mga lugar na lubhang maaapektuhan ng malalakas na pag-ulan at pagbaha.
Ang lokal na pamahalaan ng San Rafael ay patuloy na nakaantabay at handang tumugon para sa kapakanan at seguridad ng bawat isa.





Comments