top of page

Pamahalaang Bayan, Naglatag ng mga Paparating na Programa para sa mga Mamamayan


Upang masiguro ang tuloy-tuloy at de-kalidad na serbisyo publiko, pinangunahan ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang isang mahalagang pagpupulong kasama ang mga Department Heads at Section Chiefs ng Pamahalaang Bayan ngayong araw.


Ang nasabing management meeting ay nakatuon sa pagsusuri ng mga kasalukuyang programa at paglalatag ng mga plano para sa mga paparating na aktibidad sa bayan. Pangunahing layunin ng diskusyon na mapabilis ang serbisyo, paigtingin ang koordinasyon at epektibong pamamahala.


Binigyang-diin ng Punong Bayan na ang susi sa maunlad na San Rafael ay ang pagkakaisa at disiplina ng mga lingkod-bayan. Ang pagpupulong ay bahagi ng paninindigan ng LGU na maghatid ng isang epektibo, episyente, at de-kalidad na pamamahala.


Comments


bottom of page