Pamahalaang Bayan, Nanawagan sa mga Pamilya ng OFW na Nangangailangan ng Saklolo
- SB San Rafael

- 7 days ago
- 1 min read

Bilang bahagi ng commitment ni Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion sa kapakanan ng ating mga "Bagong Bayani," naglabas ng mahalagang pabatid ang Public Employment Service Office (PESO) San Rafael para sa mga kababayang nasa Middle East na nangangailangan ng agarang tulong.
Sa pakikipagtulungan sa Department of Migrant Workers (DMW) Bulacan, binuksan ang mga hotline upang mabilis na matugunan ang mga hinaing, pangangailangang medikal, o anumang emergency na kinakaharap ng ating mga OFWs sa ibang bansa.
Inaanyayahan ang mga pamilya o ang mga "Next of Kin" (NOK) na makipag-ugnayan sa mga sumusunod na numero:
DMW Bulacan Hotline: 09282359303
PESO San Rafael: 09071769966
Upang mas mapabilis ang proseso ng pagtulong, mangyaring ihanda ang mga sumusunod na impormasyon: pangalan at bansa ng OFW, huling contact, lokasyon, at ang uri ng tulong na hinihingi. Ang bawat impormasyong ibabahagi ay dadaan sa tamang proseso upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa ibayong dagat.





Comments