Pamahalaang Bayan ng San Rafael, Naglabas ng Panawagan para sa Agarang Paglikas
- SB San Rafael

- Nov 9, 2025
- 1 min read


Dahil sa banta ng patuloy na malakas na pag-ulan at ang posibleng pagtaas ng antas ng tubig sa mga ilog at dam, ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael, sa pangunguna nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, ay naglalabas ng mahalagang paalala para sa kaligtasan ng lahat.
Pinapayuhan ang lahat ng mga residente, lalo na ang mga naninirahan sa mga lugar na malapit sa ilog at mga dam, na huwag nang hintayin ang paglala ng sitwasyon. Kung patuloy ang pagtaas ng tubig, mangyaring lumikas na kaagad patungo sa mga itinalagang Evacuation Centers sa inyong lugar.
Upang masiguro ang inyong kaligtasan, bukas ang mga sumusunod na pasilidad:
San Rafael New Gym
Diliman II Evacuation Center
Pulo Elementary School
Maronquillo Elementary School
Maronquillo High School
Libis Gabaldon Area
Paco Barangay Hall
Maasim Barangay Hall
Dagat-Dagatan Barangay Chapel
Tambubong Elementary School
Talacsan Chapel
Sapang Pahalang Barangay Hall
Pantubig Elementary School
Hinihimok ang lahat na makipag-ugnayan sa inyong mga Punong Barangay o tumawag sa mga emergency hotlines ng bayan para sa anumang karagdagang tulong o impormasyon.





Comments