top of page

Pamahalaang Bayan, Pinatibay ang Solid Waste Management at Manila Bay Clean-up Program


Binigyang-diin ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan sa isinagawang Solid Waste Management Board / IIMT / MBTGF / ISF 1st Quarterly Meeting ngayong araw.


Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Acting Vice Mayor Igg. Edlin M. Indon, katuwang ang mga kawani mula sa iba’t ibang departamento ng pamahalaan, mga Non-Governmental Organizations (NGOs), at mga National Agencies. Sa ilalim ng pangangasiwa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), tinalakay sa nasabing pagtitipon ang mga stratehiya upang mas mapaganda ang sistema ng pagtatapon ng basura sa ating bayan.


Kasabay nito, nakiisa rin ang lokal na pamahalaan sa Local Unit Compliance Assessment on Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Reservation Program sa pamamagitan ng isang Zoom Meeting na pinasinayaan ng DILG Regional Office. Layunin ng assessment na ito na masuri kung gaano katapat ang ating bayan sa pagsunod sa mga mandato ng gobyerno kaugnay ng rehabilitasyon ng Manila Bay.


Ayon sa pamunuan, ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na programa nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at ng buong konseho upang masiguro na ang San Rafael ay mananatiling malinis, ligtas, at maayos para sa kasalukuyan at sa susunod pang henerasyon ng mga San Rafaeleño.

Comments


bottom of page