Panunumpa sa Katungkulan ng mga Bagong Halal na Opisyal sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael, Bulacan 2025
- SB San Rafael

- Jul 1, 2025
- 1 min read

Isang makasaysayang araw para sa ating bayan! Ika-1 ng Hulyo, isinagawa ang Oath Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng ating Pamahalaang Bayan, bilang opisyal na pagsisimula ng kanilangtungkulin sa paglilingkod sa ating bayan.
Sa harap ng kanilang pamilya, mga opisyal, at mamamayan, taimtim nilang isinumpa ang kanilang katapatan, integridad, at dedikasyon para sa ikauunlad ng ating bayang San Rafael.
Magsilbi sanang inspirasyon ang araw na ito sa patuloy nating pagkakaisa, malasakit, at pagsuporta sa mga layunin ng bagong liderato. Sama-sama nating isulong ang mas maayos, mas progresibo, at mas makataong pamahalaan.
Mabuhay ang mga lingkod-bayan!





Comments