Para sa Mas Maayos na Pondo: Sangguniang Bayan, Tinalakay ang Pagpapasa ng Reports ng mga Barangay
- SB San Rafael

- Feb 6
- 1 min read

Upang higit na mapagtibay ang prinsipyo ng transparency at tapat na pamamahala, isinagawa ng Sangguniang Bayan ng San Rafael ang isang mahalagang Pagdinig ng Lupon (Committee Hearing) para sa dalawang panukalang ordinansa na nakatuon sa maayos na pangangasiwa ng pondo ng bayan.

Sa ilalim ng pamumuno ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion at ng mga miyembro ng kaukulang Lupon, tinalakay ang mga sumusunod:
Mandatory Financial Reporting: Isang panukalang ordinansa na nag-oobliga sa lahat ng mga barangay sa San Rafael na magsumite ng buwanang Financial, Liquidation, at Utilization Reports sa Municipal Accounting Office. Layunin nito na masigurong bawat sentimo ng pondo ay nagagamit nang wasto at may kaukulang parusa para sa mga mabibigong sumunod.
Pagtatakda ng Deadline sa Annual Budget: Tinalakay din ang ordinansang magtatakda ng mga tiyak na petsa (deadlines) para sa pagsusumite ng Annual Budget ng Pamahalaang Bayan at ng lahat ng mga barangay. Ito ay upang maiwasan ang pagkaantala sa pagpapatupad ng mga mahahalagang proyekto at serbisyo sa publiko.
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng adhikain nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Veneracion na gawing mas sistematiko at tapat ang bawat transaksyong pinansyal sa ating bayan—mula sa munisipyo hanggang sa mga barangay.





Comments