top of page

Pasinayang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael


Isang makabuluhang yugto ang nasaksihan sa ating pamahalaang bayan ng San Rafael, sa pamamagitan ng matagumpay na Pasinayang Pagpupulong ng bagong Sangguniang Bayan.


Sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion kasama ang ating Punong Bayan, Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. ginanap ang kauna-unahang pormal na sesyon na naglalayong itakda ang direksyon ng pamumuno, pagsasabatas ng mga makabuluhang ordinansa, at pagbabalangkas ng mga programang tunay na makatutugon sa pangangailangan ng mamamayan.


Inihayag din dito ng ating mahal na Punong Bayan, Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. 12 point agenda kung saan mas lalong mapapaigting ang maayos na pagtatakbo at paglilingkod sa ating Bayang San Rafael.


Ang sesyong ito ay simbolo ng bagong simula — isang panibagong kabanata ng tapat, bukas, at makabayang paglilingkod. Nawa’y magpatuloy ang pagkakaisa at malasakit para sa ikabubuti ng buong bayan.


Sama-sama tayong maglingkod, makinig, at magtaguyod ng kaunlaran!



 
 
 

Comments


bottom of page