top of page

Pondo ng Brgy. at SK Banca-banca, Isinalalim sa Blue Ribbon Hearing


Nagsagawa ng isang masusing Blue Ribbon Committee Hearing ang Sangguniang Bayan ng San Rafael nitong linggo. Ang pagdinig ay nakatuon sa pagsusumite at pagsusuri ng mga kaukulang pondo ng Sangguniang Kabataan (SK) at Sangguniang Barangay ng Banca-banca.


Ang nasabing hearing ay pinamunuan ni Kgg. Edlin M. Indon, ang Tagapangulo ng Committee on Audit, Accountability and Investigations (Blue Ribbon). Isinagawa ito sa ilalim ng patnubay ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion at dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.


Layunin ng hakbang na ito na matiyak ang transparency at tamang paggamit ng pondo ng bayan sa antas ng barangay. Ayon sa lupon, mahalaga ang ganitong mga proseso upang mapanatili ang pananagutan ng mga lokal na opisyal sa kanilang nasasakupan.

Comments


bottom of page