PRAISE Awards, Isinagawa para sa mga Natatanging Kawani ng San Rafael
- SB San Rafael

- Dec 23, 2025
- 1 min read

Bilang pagpapatupad sa Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE), idinaos ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang isang espesyal na seremonya upang bigyang-pugay ang mga kawaning nagpamalas ng natatanging dedikasyon sa kanilang tungkulin.
Ang PRAISE ay isang sistema ng pagkilala na naglalayong isulong ang professionalism at excellence sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo at parangal sa mga kawaning naglilingkod nang may katapatan at husay.
Pinangunahan nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion ang paggawad ng parangal.





Comments