top of page

Public Hearing Ukol sa Operasyon ng Primewater, Isinagawa sa San Rafael

Bilang pagtugon sa dumaraming reklamo at hinaing ng mga mamamayan, isinagawa ng Pamahalaang Bayan at Sangguniang Bayan ng San Rafael ang Batch 1 ng Public Hearing na nakatuon sa operasyon ng PRIMEWATER Infrastructure Corporation.


Ang pagdinig ay pinangunahan nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion. Nagsilbi namang tagapangasiwa si Kgg. Gerardo C. Torres, Tagapangulo ng Committee on Public Utilities, Transportation and Communication, kasama ang mga Kagawad ng Sangguniang Bayan.


Dinaluhan ang pagpupulong ng mga residente mula sa labimpitong (17) barangay upang personal na ilahad ang kanilang mga nararanasang problema sa serbisyo ng tubig. Kabilang dito ang mga kinatawan mula sa: Tambubong, Ulingao, Sampaloc, Pinac-pinacan, Paco, Pulong Bayabas, Pansumaloc, Capihan, San Roque, Maguinao, Cruz na Daan, Maasim, Mabalas-balas, Diliman I, Diliman II, Salapungan, at Pasong Intsik.

Pangunahing inireklamo ng mga kababayan ang hindi magandang kalidad ng tubig, madalas na water interruption, at iba pang mga isyu sa distribusyon na direktang nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.


Naroon din sa pagpupulong ang San Rafael Water District (SRWD) sa pangunguna ng kanilang Chairperson, Mrs. Socorro V. Valdecantos, kasama ang mga Board Directors. Humarap din ang mga opisyal na kinatawan ng Primewater upang sumagot sa mga katanungan at magbigay ng paliwanag sa mga reklamong ibinato ng publiko at ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan.


Comments


bottom of page