top of page

Publikong Pagdinig para sa Itatayong Warehouse at Oil Refinery sa Brgy. Pantubig, Itinakda sa Setyembre 22


Inaanyayahan ang publiko na dumalo sa Public Hearing na gaganapin sa Lunes, Setyembre 22, 2025, ganap na alas-10:00 ng umaga sa mismong lokasyon ng proyekto sa Barangay Pantubig, San Rafael, Bulacan.


Layunin ng pampublikong pagdinig na talakayin ang mga sumusunod na aplikasyon para sa Sangguniang Bayan Clearance:


  1. Liham mula kay G. Alden Go para sa pagpapagawa ng Warehouse 2 (2,630 sqm) at Warehouse 3 (2,340 sqm) sa Brgy. Pantubig.


  2. Isa pang liham mula rin kay G. Alden Go para sa pagtatayo ng Oil Refinery 2 na may sukat na 1,520 sqm sa parehong barangay.


Petsa: Setyembre 22, 2025 (Lunes)🕙 Oras: 10:00 AM

Lugar: Brgy. Pantubig, San Rafael, Bulacan


Hinihikayat ang lahat ng residente at stakeholders na makiisa at ipahayag ang kanilang saloobin. Ang inyong partisipasyon ay mahalaga upang matiyak na ang mga proyektong ipatutupad ay makatutugon sa pangangailangan ng komunidad at kaunlaran ng bayan.

Comments


bottom of page