top of page

Punong Bayan, Kinilala ang Pakikiisa ng mga Kababayan sa Pag-unlad ng San Rafael


Muling pinagtibay ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang kanyang pangako ng isang "inclusive" at bukas na pamamahala matapos ang isa na namang produktibong araw ng pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan sa loob ng kanyang tanggapan.


Sa gitna ng dumaraming proyekto sa bayan, naglaan ng oras ang Punong Bayan upang personal na pakinggan ang mga saloobin, mungkahi, at mga pangangailangang idinudulog ng mga San Rafaeleño.


Ayon kay Mayor Violago, ang bawat ideya at boses ng mamamayan ay mahalagang sangkap sa pagbuo ng mga programang tunay na makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa lahat. Hindi lamang ito paghingi ng tulong, kundi isang pagkakataon para sa mga nais makiisa at maging katuwang ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng bayan.

Comments


bottom of page