top of page

RHU III, Pinangunahan ang Lingguhang Flag Raising Ceremony sa San Rafael


Sa pagbubukas ng panibagong linggo, muling nagkaisa ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong Lunes, ika-15 ng Disyembre.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na tradisyon ng lokal na pamahalaan upang magbigay-galang sa pambansang sagisag at pagtibayin ang pagmamahal sa bayan sa gitna ng paglilingkod sa mga mamamayan.


Para sa linggong ito, ang palatuntunan ay matagumpay na pinangasiwaan ng Rural Health Unit III (RHU III). Sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Grace Valdecantos-Racho, naging maayos at makabuluhan ang daloy ng programa.



Comments


bottom of page