top of page

San Rafael at DOST, Nagkaisa para sa Solar-Powered Irrigation ng mga Magsasaka



Isang hakbang tungo sa mas moderno at makakalikasang pagsasaka ang isinagawa ngayong araw sa Barangay Pulong Bayabas sa pamamagitan ng actual field testing ng Mobile Solar Irrigation Pump.


Alinsunod sa direktiba ni Mayor Cipriano D. Violago, Jr., personal na pinangasiwaan ni Secretary to the Mayor, G. Acmad Calaca, kasama ang MAO-OIC na si Ma’am Rea Joy Calderon at mga kawani ng Municipal Agriculture Office, ang pagsusuri sa nasabing kagamitan. Ang makabagong teknolohiyang ito ay ipinagkaloob sa ating bayan ng Department of Science and Technology (DOST).


Layunin ng proyektong ito na maghatid ng episyenteng sistema ng patubig na hindi umaasa sa mahal na gasolina o kuryente. Sa pamamagitan ng solar power, inaasahang:

  • Mababawasan ang gastusin ng mga magsasaka sa produksyon.

  • Mapatataas ang ani dahil sa mas madaling access sa patubig.

  • Maitataguyod ang "Green Farming" o sustenableng pamamaraan ng pagsasaka.


Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap nina Punong Bayan, Igg. Cipriano D. Violago at Pangalawang Punpng Bayan Igg. Edison M. Veneracion na bigyan ng mga "sustainable solutions" ang ating mga magsasaka upang masiguro ang kanilang tagumpay at ang seguridad sa pagkain ng buong San Rafael.

Comments


bottom of page