top of page

San Rafael Christmas Village, Bukas na para sa Buong Pamilya.


Ramdam na ramdam na ang init at saya ng Kapaskuhan sa Bayan ng San Rafael! Opisyal nang bukas para sa lahat ang San Rafael Christmas Village & Bazaar, ang sentro ng kasiyahan at bonding ng mga pamilyang San Rafaeleño ngayong taon.


Sa layuning makapagbigay ng ngiti sa bawat bata at pamilya, inanunsyo ng Pamahalaang Bayan na LIBRE ang pagpasok sa naturang Christmas Village. Bukod sa makukulay na pailaw, maaari ring i-enjoy nang WALANG BAYAD ang carousel at inflatable playground.


Hindi rin dapat palampasin ang gabi-gabing ningning ng langit sa pamamagitan ng enggrandeng Fireworks Display. Narito ang iskedyul upang hindi kayo mahuli, Lunes haggang Huwebes 7:30 PM at Biernes hanggang Linggo: 8:00 PM.


Para sa mga nais mag-relax at mag-bonding, hitik ang bazaar sa iba't ibang mabibilhang gamit, masasarap na pagkain, at pampalamig na inumin. Mayroon ding mga inihandang aktibidad, sorpresa, at papremyo na tiyak na magpapasaya sa inyong gabi.

Comments


bottom of page