top of page

San Rafael, Handa na sa mga Proyekto at Hamon ng 2026

Sa pagpasok ng unang linggo ng taong 2026, pormal na nagpahayag ng kanyang commitment at dedikasyon si Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. para sa mas masiglang paglilingkod sa mga San Rafaeleño.


Binigyang-diin ng Punong Bayan na ang unang linggo ng Enero ay nagsisilbing mahalagang paalala na ang bawat araw ay isang panibagong pagkakataon upang makatulong at makapagbigay ng serbisyong mula sa puso.


Sa kanyang mensahe, muling inilatag ni Mayor Violago ang tatlong pangunahing prinsipyo na gagabay sa kanyang administrasyon ngayong taon, tapat na serbisyo, makataong pamumuno at may malasakit na paglilingkod.


Comments


bottom of page