top of page

San Rafael, Kabilang sa Nangunguna: Nagkamit ng 'Fully Compliant' Status sa Gawad KALASAG 2025!


Nagkamit ng plake mula sa Gawad KALASAG 2025 ang Munisipalidad ng San Rafael bilang pagkilala sa pagsisikap na isinasagawa ng Pamahalaang Bayan sa paghahanda sa mga kalamidad at sakuna.


Ipinagmamalaki ang tagumpay na ito ni Vice Mayor Kgg. Edison M. Veneracion, na nagsabing nagawa ng bayan na makamit ang "Fully Compliant LGU" status.


Nakuha ng San Rafael ang mataas na iskor na 1.70 sa 2025 Regional Assessment para sa Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices (LDRRMCOs). Ang mataas na rating na ito ay nagpapatunay na ang mga sistema, equipment, at mga plano sa pagresponde ng bayan ay epektibo at nakasunod sa pambansang pamantayan.


Bilang kinatawan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago Jr., personal na tinanggap ng Secretary to the Mayor na si G. Acmad Calaca, ang plake sa programa na isinagawa sa Laus Event Center, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Comments


bottom of page