top of page

San Rafael MAO at PCIC, Nagtulungan sa Pag-alalay sa mga Magsasakang nasalanta


Isang malaking ginhawa ang sumalubong sa mga lokal na magsasaka matapos isagawa ang pamamahagi ng tseke para sa bayad-pinsala mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) kamakailan.


Ang mga benepisyaryo ay ang mga magsasakang may kaukulang crop insurance na dumanas ng pagkalugi sa kanilang mga pananim bunsod ng mga kalamidad noong nakaraang wet season o panahon ng tag-ulan. Bago natanggap ang ayuda, ang mga magsasaka ay sumailalim sa masusing panayam at beripikasyon ng mga PCIC adjusters upang matiyak ang kaukulang halaga ng pinsala.


Ayon sa Municipal Agriculture Office (MAO) ng San Rafael, ang pondong natanggap ng mga magsasaka ay magsisilbing mahalagang panimulang puhunan upang muli silang makapagtanim at makabangon mula sa epekto ng nagdaang kalamidad.


Ang programang ito ay bunga ng matibay na ugnayan nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion sa PCIC, na naglalayong bigyan ng "safety net" o proteksyong pinansyal ang sektor ng agrikultura sa ating bayan. Patuloy ang paalala ng MAO sa mga magsasaka na ipaseguro ang kanilang mga pananim upang magkaroon ng kaukulang tulong sa panahon ng hindi inaasahang sakuna.

Comments


bottom of page