top of page

San Rafael Municipal Grounds, Buhay na Buhay na Bago ang Grand Opening!



Kahit wala pa ang opisyal na grand opening, hindi na napigilan ang dagsa ng ating mga kababayan na nais nang maramdaman ang diwa ng Pasko! Kasalukuyang makikita ang masayang vibe sa San Rafael Christmas Village & Bazaar habang sinusulit ng mga San Rafaeleño ang mga pre-opening attractions.


Ang pinipilahan at pinaka-inaabangan ng lahat ay ang Libreng Carousel! Hindi lang ito para sa mga chikiting, dahil bukas din ito para sa mga young at heart na nais balikan ang saya ng pagkabata. Para naman sa mga bata na puno ng enerhiya, nakatayo na rin ang makulay na Inflatable Playground na siguradong kagalakan ng bawat pamilya.


Para sa mga mahilig mag-food trip, nakahilera na ang mga stalls na naghahandog ng iba't ibang masasarap na kainan. Mula sa mga pampalamig hanggang sa mga paboritong meryenda, busog ang inyong tiyan habang namamasyal. Mayroon na ring iba’t ibang paninda na pwedeng mabili para sa inyong Christmas gift-giving list.


Comments


bottom of page