top of page

San Rafael, Nagkaisa sa Malawakang Clean-Up Activity para sa Kapaligiran


Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa kalikasan, muling nagsagawa ng Clean-Up Activity ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael upang panatilihing malinis at maayos ang ating kapaligiran.


Sa ilalim ng koordinasyon ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pangunguna ni Ma’am Zenaida Villanueva, hinati ang mga kawani sa dalawang estratehikong ruta:

  • Unang Ruta: Mula Barangay Capihan patungong Munisipyo.

  • Ikalawang Ruta: Mula Barangay Ulingao pabalik sa Pamahalaang Bayan.



Kasabay nito, nakiisa rin ang mga kawani ng Public Market sa pagsasagawa ng sabayang paglilinis sa kanilang nasasakupan. Nagpakita rin ng suporta ang Sangguniang Barangay ng Sampaloc sa pamumuno ni Punong Barangay Rene Abraham, katuwang ang mga Barangay Tanod, upang masiguro ang tagumpay ng aktibidad.



Ang gawaing ito ay bahagi ng bisyon nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion na itaguyod ang isang malinis, maayos, at ligtas na bayan. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang MENRO sa lahat ng nakiisa, na nagpapatunay na ang pagkakaisa ay susi sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Comments


bottom of page