San Rafael, Nagpugay sa Watawat at sa Isang 100-Year-Old Centenarian
- SB San Rafael

- Feb 23
- 1 min read

Punong-puno ng inspirasyon at pag-asa ang naging simula ng linggo sa Bayan ng San Rafael matapos idaos ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong Lunes, ika-23 ng Pebrero, 2026.
Sa gitna ng seremonya, isang pagkilala ang iginawad sa ating kababayang si Lola Soled Isidro Gonzales mula sa Barangay Capihan. Hindi lamang ang simula ng linggo ang ipinagdiriwang, kundi ang mismong ika-100 na kaarawan ni Lola Soled ngayong araw. Ang pagkilalang ito ay bahagi ng programa ng pamahalaan na bigyang-pugay ang mga "Centenarians" na nagsisilbing buhay na saksi sa kasaysayan at kultura ng ating bayan.
Ang palatuntunan ngayong umaga ay pinangasiwaan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Rosalie B. Lopez.
Sa pangunguna nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, ipinaabot ang taos-pusong pagbati kay Lola Soled. Ang kanyang mahabang buhay ay itinuturing na isang malaking biyaya hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi para sa buong komunidad ng San Rafael.





Comments